Nagpahayag ng buong pagsuporta ang lokal na pamahalaan ng Gabaldon, Nueva Ecija na pinamumunuan ni Atty. Jobby Emata sa Oplan Liwanag: Hulugang Bayad Promo ng NEECO II-Area 2 na muling inilunsad nitong Marso para maabot ang 100% total rural electrification status.
Anang alkalde ng naturang bayan, ang pagkakaroon ng serbisyo ng kuryente ay isang karapatan na nararapat tinatamasa ng lahat. Paliwanag pa n'ya, kinakailangang magkaisa ang lahat ng mga Local Government Units na nasasakupan ng nasabing kooperatiba upang itulak pa ang paglago ng kabuuang ekonomiya.
Nakapagtala na ang nabanggit na LGU ng 130 approved applicants para sa Oplan Liwanag.
Nagbabayad ng minimum PhP300 para sa electrical/building permit ang mga uma-aplay noon para magkaroon ng electricity connection. Sa kasalukuyan, sinisingil na lamang ng PhP75 ang mga qualified applicants, at PhP110 para sa Bureau of Fire Protection permit.
Para sa mga Oplan Liwanag recipients, ikakaltas sa loob ng 12 buwan ang magagastos para sa pagpapakabit ng kuryente. Libre rin ang kuntador, at inspeksyon.
𝗞𝗔𝗕𝗨𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚:
https://www.facebook.com/502088793219705/posts/6254848654610328/?mibextid=Nif5oz
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗪 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡:
Applying for an electricity connection